Friday, November 1, 2013

Relief distribution, ibinatay sa kategorya ng sinalantang lugar

Ni Phoebe Jen Indino


TAGBILARAN CITY – Upang matiyak ang maayos at pantay na pamamahagi ng relief goods sa mga lugar na nasalanta ng malakas na lindol sa Bohol, nagpatupad ng bagong sistema ang Department of Social Welfare and Development

(DSWD) ng bagong distribution plan para sa 17 bayan.



Nakipag-agapayan ang DSWD sa pamahalaang panlalawigan ng Bohol, Australian Aid (AusAid), at World Food Programme para sa bagong sistema sa pamamahagi ng relief items upang maiwasan ang kaguluhan at intriga sa mga lokal na opisyal at apektadong residente. “We have set clear criteria in identifying the priority municipalities that will be receiving food packs,” sinabi ni DSWD Secretary Corazon Juliano-Soliman. Ang 17 bayan ay binigyan ng ranggo base sa level ng kahirapan, bilang ng mga nasirang tahanan at bilang ng mga nagsilikas na pamilya.


Simula Nobyembre 1 hanggang 3, natakada ang DSWD na mamahagi ng 59,703 food pack sa mga naapektuhang lugar. Ang mga food pack ay naglalaman ng 20 kilo ng bigas, 10 lata ng sardinas, 10 lata ng beef loaf, 10 pakete ng noodles, 10 pakete ng kape, at 10 pakete ng chocolate drink na inaasahang tatagal ng dalawang linggo.


Tatlo pang serye ng pamamahagi ng relief goods ang itinakda sa Nobyembre 16-18, Disyembre 1-3, at Disyembre 16-17.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Relief distribution, ibinatay sa kategorya ng sinalantang lugar


No comments:

Post a Comment