Wednesday, November 13, 2013

UN umapela ng $300 para sa Pilipinas

Naglunsad ang United Nations ng apela para sa mahigit $300 million na aid kasabay ng pagdating ng US at British warships kahapon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, kung saan libu-libo ang pinangangambahang nasawi.


Limang araw makalipas salantain ng super typhoon Yolanda ang buong coastal communities sa record winds at mala- tsunami na alon, patuloy na lumalawak ang pinsalang idinulot ng bagyo sa halos walang kapantay na pinsala.



Nagkalat ang mga bangkay sa mga lansangan, at malalanghap ang nabubulok na laman sa hangin kasabay ng pangamba ng pagkalat ng sakit.


Nagiging desperado na ang mga nakaligtas sa paghihingi ng tulong na mahirap pa ring maiparating sa kanila—karamihan ay walang makain at maiinom.


Sinabi ni UN humanitarian chief Valerie Amos sa mamahayag sa Manila na kailangan ang pera para sa “food, health, sanitation, shelter, debris removal and also protection of the most vulnerable”.


Pinuri ni Amos ang pagtugon ng international community simula nang manalasa ang ‘Yolanda’ noong nakaraang Biyernes, ngunit sinabi niyang marami pa ang kailangang gawin sa isa sa napakalaking kalamidad na tumama sa mundo.


“We have already seen an international and generous response given the horrific pictures that people have seen, particularly on their television screens,” aniya.


Sa huling tala umabot na sa mahigit 2200 ang bilang ng mga nasawi.


Halos 10 milyong katao, o 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ang apektado, habang mahigit 660,000 ang nawalan ng tirahan, ayon sa pagtaya ng UN. – AFP


.. Continue: Balita.net.ph (source)



UN umapela ng $300 para sa Pilipinas


No comments:

Post a Comment