Wednesday, November 13, 2013

Rising Suns, lalo pang magpapakatatag

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon: (Ynares Arena)

12 nn– Boracay Rum vs BDO

2 p.m.– Jumbo Plastic vs Zambales M-Builders

4 p.m.– Cagayan Valley vs Hog’s Breath Cafe


Lalo pang palawigin ang kanilang winning streak na mas magpapatatag ng kapit nila sa liderato ang tatangkain ng Cagayan Valley sa kanilang pakikipaghamok sa Hog’s Breath sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Arena sa Pasig City.



Nanggaling ang Rising Suns sa 104-100 panalo laban sa baguhang Derulo Accelero na nagluklok sa kanila sa tuktok ng liderato, kinapapalooban ng 14 na koponang kalahok, upang maimarka ang barahang 4-0 (panalo- talo).


Gayunman, hindi pa rin lubusang nakuntento si coach Alvin Pua sa kanilang performance.


“We still lack consistency. Our defense needs a lot of improvement. The tournament has just started. The tough battles are still ahead of us so we have to stay focused and continue to improve,” pahayag ni Pua.


At inaasahang magiging matindi ang kanilang kakaharaping hamon sa Razorbacks sa kanilang pagtutuos sa tampok na laro sa ganap na alas- 4:00 ng hapon dahil kagagaling pa lamang ng mga ito sa 13-day break matapos simulan ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 80-69 panalo laban sa Arrelano University noong Oktubre 31.


Nanguna sa nasabing panalo si dating pro Francis Allera at ang rookie na si Philip Paniamogan na nagtala ng 25 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod, bilang panimulang pagwawagi para sa bago nilang coach na si Caloy Garcia.


“I thought we did well on our first game. But we missed our bigs who are still playing in the NCAA so we relied on our veterans. Hopefully we could find a way to win when he plat Cagayan Valley,” pahayag ni Garcia.


Sa iba pang mga laro, magtatangka namang makabalik sa kanilng winning ways ang Boracay Rum matapos mabigo ng dalawang sunod sa kanilang pagsagupa sa winless pa ring Banco de Oro sa pambungad na laro sa ganap na alas-12:00 ng tanghali habang magtutuos naman sa ikalawang laban ang Jumbo Plastic at ang Zambales M-Builders sa ganap na alas-2:00 ng hapon.


Inaasahang may bentahe ang Waves na natalo sa Blackwater Sports at Café France kontra sa Bulldogs dahil sa mas malalim nilang bench at malawak na karanasan.


Natalo ang Banco de Oro sa unang dalawang laro, kabilang na ang 91-90 decision sa kamay ng Big Chill noong Nobyembre 4.


Dikdikang laban din ang inaasahang mamamagitan sa Jumbo Plastic na nabigo sa Big Chill, 69-83, noong nakaraang linggo habang ang Zambales M-Builders ay galing sa 73-77 panalo laban sa Arellano University noong Lunes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Rising Suns, lalo pang magpapakatatag


No comments:

Post a Comment