Wednesday, November 13, 2013

Iba’t ibang bansa dapat magkaisa vs climate change – PNoy

Sa gitna ng sunud-sunod na kalamidad na nararanasan sa Pilipinas, nanawagan si Pangulong Aquino kahapon sa pagkakaisa ng iba’t ibang bansa upang mabawasan ang epekto ng climate change sa mundo.


Partikular na nanawagan ang Pangulo sa mga mayayaman ng bansa na may malaking kontribusyon sa global warming na kilalanin ang kanilang responsibilidad dahil ang nakararanas ng trahedya ay ang mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas sa mga tumitinding pananalasa ng mga kalamidad.



“We all live in one planet — either we come up with a solution that everybody adheres to and cooperates with or let us be prepared to meet disasters, every increasing disasters, on a global level,” sinabi ng Pangulo sa panayam ng CNN.


“Especially to the most developed countries that are contributing immensely to the global warming, there has to be a sense of moral responsibility that what they wreak is playing havoc on the lives of so many others who are less capable of fending for themselves,” dagdag niya.


Inihayag ni PNoy ang kanyang apela sa international community matapos ang pananalasa ng super typhoon “Yolanda” sa maraming lugar sa Visayas kung saan umabot na sa 1,774 ang namatay habang libu-libong pamilya ang nawalan ng tahanan.


Ani Aquino, tanggap na ng mga Pinoy ang katotohanan sa epekto ng climate change bunga ng pagbagbabago sa weather pattern ng bansa.


Bagamat karaniwan na ang bagyo sa Pilipinas, giit ng Pangulo na sobrang sama ng inabot ng mga Pinoy ngayong 2013, partikular kay “Yolanda.” – Genalyn D. Kabiling


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Iba’t ibang bansa dapat magkaisa vs climate change – PNoy


No comments:

Post a Comment