Friday, November 15, 2013

UN, umaamot ng tulong para sa ‘Yolanda’ victims

Inihayag kahapon ng United Nations na may improvement na ang search, rescue, relief at recovery operation, subalit kulang pa rin matapos ang pananalasa ng super typhoon ‘Yolanda’ sa bansa.


Sinabi ni UN Humanitarian chief Valerie Amos, na nangangasiwa ngayon sa relief operations ng world body, bumubuti na ang kondisyon lalo na kung dumadami na ang magagamit na logistics mula sa iba’t ibang bansa para sa paghatid ng relief supplies.



Subalit inihayag ni Amos na napakarami pa ng kailangang gawin.


“We know that much more is required,” pahayag ni Amos.


Prayoridad pa rin aniya ang mahatiran ng pagkain at tubig ang mga survivor na ngayon ay desperado na sa pagdating ng tulong.


Pinaghahandaan din ng UN at ng iba’t ibang international aid organization ang pagkalat ng mga sakit.


Umapela ang United Nations sa iba’t ibang bansa ng tulong para sa Pilipinas.


Ayon kay UN humanitarian office spokesman Adrian Edwards, nasa 14 percent pa lang ang kanilang nalilikom na may katumbas na P172,000,000.


Hindi kasama sa flash appeal ang mga cash donation na una nang ipinangako ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas at ang $25 million na ibinigay ng United Nations bago pa ang panawagan.


Nagsisilbi na ring refugee center ang city hall ng Catbalogan City para sa mga residente ng Tacloban City na umiiwas muna sa lugar nila matapos salantain ng super typhoon ‘Yolanda’.


Sinabi kahapon ni Catbalogan City Mayor Stephany Uy-Tan, sa city hall pa lamang nila ay may 300 residente na ang namamalagi. Namahagi na rin ang alkalde ng Catbalogan ng pagkain sa mga refugee. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



UN, umaamot ng tulong para sa ‘Yolanda’ victims


No comments:

Post a Comment