Friday, November 15, 2013

Sarah, No. 1 sa MYX countdown

SARAH Geronimo


Ni Remy Umerez


NANANATILI sa pangunahing puwesto ng MYX countdown ang music video ni Sarah Geronimo na Ikot-ikot.


Ayon kay Direk Paul Basinilio ay total involvement ang iniukol ni Sarah sa paggawa ng naturang music video.



“Marami siyang inputs at most of the shots and ideas ay nanggaling sa kanya. Sa katunayan, she even codirected it,” ani Paul na ilang ulit nang nakatrabaho si Sarah sa concerts at album projects.


Maging si Georcelle Dapat, choreographer ng G-Force ay humanga kay Sarah lalo na sa kanyang dancing abilities. Hindi raw gawang biro ang dance moves na ipinakita ng pop princess.


Ang Ikot-ikot ay may 136,000 views agad nang araw na i-post ito sa YouTube.


Ang bagong album at ang concert celebrations ngayong buwan ay bahagi ng ikasampung taong pamamayagpag ni Sarah sa show business.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sarah, No. 1 sa MYX countdown


No comments:

Post a Comment