Friday, November 15, 2013

San Beda, Letran, kapwa nakatutok sa titulo ng NCAA Season 89

Adeogun, Racal and Almazan


Ni Marivic Awitan


Laro ngayon: (MOA Arena)

2 p.m. San Beda vs Letran


Sino ang mas may kakayahang mag-uuwi ng titulo ng NCAA Season 89 men’s basketball tournament crown?


Ito ang nakatakdang sagutin ng defending champion San Beda College at ng kanilang challenger na Letran College sa kanilang pagtutuos sa winner-take-all Game Three sa pagtatapos ng kanilang final series ngayon sa MOA Arena sa Pasay City.



Nagawang maipuwersa ng Knights sa do-or-die Game Three match ang serye sa pamamagitan ng 79-74 panalo nila sa Game Two noong nakaraang Huwebes.


Sa tulong ng kanyang second stringers na binaligtad ang pangyayari sa naganap na Game One, kung saan ay hindi gaanong naramdaman ang kanilang naiambag sa laban, nakuha ng Knights ni coach Caloy Garcia na buhayin ang kanilang tsansang muling magkampeon matapos ang nakalipas na pitong taon.


“It is now anybody’s ballgame. The team with the right frame of mind will win,” pahayag ni coach Garcia.


Umaasa si Garcia na manatiling nakapokus ang kanyang mga player para sa kanilang misyon na muling mabigyan ng titulo ang Knights matapos ang huling pagkakataon na nakatikim sila ng kampeonato noong 2005.


Sa kabilang dako, hindi naman nasiraan ng loob ang Red Lions at nandoon pa rin ang matibay na paniniwalang hindi pa tuluyang humuhulagpos sa kanila ang hawak na titulo.


“Nothing’s lost. They still have to beat us one more time,” ayon kay Fernandez. “I believe my boys won’t allow that and again it will be a dog fight today.”


Maliban dito, sinabi din ni Fernandez na sisikapin nilang mabigyan ng mas maraming touches ang kanilang sentrong si Ola Adeogun sa Game Three na nalimitahan lamang sa 10 puntos, 13 rebounds at 2 blocks sa Game Two.


“We just have to give the ball to him,” pahayag ni Fernandez. “If Ola cannot score, we have a problem.”


Gayundin, hindi pa rin nawawala ang paniniwala ni Fernandez na pangungunahan sila at ihahatid ng pangunahing playmaker na si Baser Amer na hindi nakuhang lusutan ang mahigpit na depensa sa kanya ng Knights sa nakaraan nilang laban.


“Credit to the defense of Letran,” ayon kay Fernandez. “Probably he’s been missing his shots. But as what I’ve said before, wherever Baser goes, this team will go.”


“I still believe Baser will step up in Game Three,” dagdag pa nito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



San Beda, Letran, kapwa nakatutok sa titulo ng NCAA Season 89


No comments:

Post a Comment