Saturday, November 9, 2013

UN: Droga, bumabaha sa Asia

BANGKOK (AFP)— Nagbabala ang United Nations noong Biyernes sa malalaking bulto ng nasamsam na methamphetamine sa buong Asia sa pagbaha ng ipinagbabawal na gamot sa mga lansangan at club.


Noong nakaraang taon 227 milyong methamphetamine pills ang nasamsam sa East at Southeast Asia – tumaas ng 59 porsiyento mula 2011 at halos pitong beses ang itinaas kumpara noong 2008, sinabi ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC).



“If you look at the five year trends, since 2008 the seizures have increased pretty exponentially,” sabi ni UNODC regional analyst Shawn Kelley, tinukoy ang data na nagpapahiwatig na nagpapatuloy ang trend ngayong 2013.


Sinabi niya na ang “huge spike” ay sanhi ng pinaigting na pagsisikap ng law enforcement agencies gayundin ang tumaas na produksiyon sa Myanmar at sa pagtaas ng pagpupuslit ng droga sa Asia mula sa ibang rehiyon.


Tumaas din ang pagsamsam ng crystal meth, umakyat ng 12-fold sa Myanmar, 10-fold sa Brunei, 91 porsiyento sa Hong Kong, 75 porsiyento kapwa sa Indonesia at Cambodia, at 33 porsiyento sa Japan.


Sa pormang pildoras nito, ang methamphetamine – kilala sa Thailand bilang “yaba”, na nangangahulugang “crazy medicine” – ay ginagamit kapwa bilang party drug at pick-me-up para sa mga nagtatrabaho ng mahahabang oras.


Sa hanay na ito, ang China, Thailand, Myanmar at Laos ay nakasamsam ng 99 porsiyento ng lahat ng yaba sa East at Southeast Asia, ayon sa UNODC report.


Ang lahat ng bansa ay nagpakita malaking pagtaas isang taon na ang nakalipas, sa paglambat ng Thai authorities ng 95.3 milyong pildoras — tumaas ng 93 porsiyento — habang ang nasamsam ng mga Chinese, tumaas ng 25 porsiyento hanggang 102.2 milyon, at ang Myanmar ay mahigit triple sa 18.2 milyon.


Karamihan ng nasamsam na methamphetamine sa Thailand ay pinaniniwalaang nagmula sa katabing Myanmar.


Bago nagbukas ang bansa sa mundo, sa ilalim ng bagong reformist government noong 2011, pinaniniwalaang pinalalakas ng mga rebelde ang produksiyon ng droga para makabili ng armas sa harap ng mga tensiyon sa noo’y ruling junta.


“But now it’s still going on,” sabi ni Kelley, sa kabila ng napagkasunduang ceasefire ng bagong quasi-civilian government ng Myanmar at ng maraming armadong ethnic minority groups.


Karamihan ng mga droga ay produkto ng mobile laboratories na nakatago sa mga kagubatan sa Shan State sa silangan ng Myanmar, ang ikalawang pinakamalaking pinagkukunan ng opium sa mundo kasunod ng Afghanistan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



UN: Droga, bumabaha sa Asia


No comments:

Post a Comment