Saturday, November 9, 2013

2 barko lumubog, 7 iba pa sumadsad sa ‘Yolanda’

Dalawang barko ang lumubog habang pitong iba pang ang sumadsad nang itulak ng malakas na hangin bunsod ng super typhoon “Yolanda” na nanalasa sa Central Visayas noong Biyernes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).


Sinabi ni Commodore William Melad, district commander ng PCG Central Visayas, lumubog ang M/ V Super Shuttle Ferry 17 sa Pier 18, Mandaue City sa kasagsagan ng bagyong “Yolanda.”



Ani Melad, tumagilid muna ang M/V Super Shuttle Ferry nang itulak ng malakas na hangin bago ito tuluyang lumubog.


“It didn’t totally submerge. Half of it can still be seen,” dagdag niya.


Walang pasahero ang barko, na pag-aari ng Asian Marine Transport Corp. na may rutang Danao-Camotes Island, nang mangyari ang insidente.


Iniulat din ng PCG na tumaob din ang M/Tug Metro Tug II dahil sa malaking alon na humampas sa Santiago Shipyard sa Consolacion, Cebu.


“No one was reported hurt or injured after the incident,” ayon sa PCG report.


Kabilang sa mga sumadsad na barko matapos tangayin ng malakas na hangin sa baybayin ay ang M/V Schelde Trader, Barge Castor, M/V Osamis Bay 1, M/V Cagayan Bay 1,Barge Big Champ, Barge Roger at MV Rene. – Raymund Antonio


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 barko lumubog, 7 iba pa sumadsad sa ‘Yolanda’


No comments:

Post a Comment