Saturday, November 9, 2013

MVP, ibabahagi ang naging paglalakbay ng Gilas’ sa “A Banquet of Heroes” sa Martes

Magbibigay ng makabuluhang pananalita si Manny V. Pangilinan, ang foremost basketball patron at prime mover ng Philippine cage program, sa Martes sa “A Banquet of Heroes” ng PBA Press Corps na iprinisinta ng Meralco sa Wack Wack sa Mandaluyong.



Ang business tycoon, siyang tumataguyod sa Gilas-Pilipinas, ay magpapahayag sa mga naging paglalakbay ng National Five simula pa sa World Championship sa isa sa pinaka-highlights ng okasyon kung saan ang mga pinakamamagaling at brightest talents sa nakaraang PBA season ang nakahanay.


Ang Team PBA, kung saan ay kabahagi si Pangilinan kasama ang iba pang team owners na sina Ramon S. Ang, Bert Lina, Mikee Romero, George Chua, Raymund Yu at Terry Que, at Wilfred Uytengsu, ang odds-on choice upang pagwagihan ang Executive of the Year trophy na ipinangalan sa yumaong si Crispa bossman Danny Floro.


Binura ng PBA ang lahat ng nakaraang box-office records sa season kung saan ay naging bahagi ang team owners sa kanilang pagsasakripisyo upang palitan ang kalendaryo na dito ay kanilang inilaan ang kanilang mga manlalaro para sa national cause.


Sina Grand Slam-winning coaches Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee ang magkakaagawan sa Coach of the Year award, bilang pagkilala kay Baby Dalupan, kasama ang darkhorse na si Luigi Trillo ng Alaska.


Ang formal affair ay magsisimula sa ganap na alas-7:00 ng gabi kung saan ay tatayong emcees sina Quinito Henson, Sev Sarmenta at Erika Padilla. Ang gabi ng parangal ay kapapalooban rin ng mga miyembro ng 1973 at 1986 champion Asian Basketball Confederation teams na magbibigay pugay rin sa mga bagong National player.


Kinumpirma ni Bogs Adornado, kung saan ang Comeback Player of the Year ay ipinangalan kina Jimmy Mariano, Manny Paner at Yoyong Martirez ng 1973 team ang kanyang pagdalo sa okasyon. Iniimbitahan naman ni Philippine Daily Inquirer’s Musong R. Castillo, ang outgoing PBA Press Corps president, ang management, players at officials ng mga koponan at maging ang kapwa sportswriters sa naturang affair.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MVP, ibabahagi ang naging paglalakbay ng Gilas’ sa “A Banquet of Heroes” sa Martes


No comments:

Post a Comment