Saturday, November 2, 2013

Trillanes, nagsampa ng kaso sa Ombudsman

Lumalalim ang hidwaan sa pagitan nina Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at Philippine Olympic Committee (POC)

president Jose “Peping” Cojuangco na ikinadadamay rin ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia.


Ito ay matapos na sampahan ni Trillanes noong Miyerkules ng kasong malversation sa Office of the Ombudsman ang mga pinuno ng PSC at POC kasama ang ilang personahe sa pagbibigay permiso at paglalabas ng pondo sa tinagurian

nitong isang pekeng National Sports Association.



Kinasuhan ni Trillanes si Cojuangco, tiyuhin ni Pangulong Benigno Aquino III, at chairman Garcia dahil umano sa pagbibigay nila ng pondo sa hindi lehitimong asosasyon.


Inihayag ni Trillanes ang pagsasampa ng kaso sa hearing mismo ng Senate sub-finance committee habang dinidinig ang kahilingan ng PSC sa ipinasa nilang budget proposal para sa taong 2014.


Gayunman, sinabi ni Cojuangco na nagkakamali si Trillanes IV sa paratang nito sa PSC at maging sa POC.


“Gusto niya kasing maging presidente ng dalawang asosasyon na hindi naman parehas na lehitimo,” sabi ni Cojuangco sa isang programa sa telebisyon.


“Ano ba ang nagawa niya para sa ikagaganda ng takbo ng sports sa bansa. Wala naman siyang naitulong,” pahayag pa ni Cojuangco.


“I’d like to inform the committee, that I filed a malversation case in the Ombudsman against chairman Richie Garcia, Mr. Peping Cojuangco and some other people in relation to the release of PSC funds to bogus NSAs. So that’s my main issue against the PSC. You have become a rubberstamp of Mr. Peping Cojuangco and we have to put a stop to that,” ayon sa pahayag ni Trillanes.


Nauna nang ikinadismaya ni Trillanes IV ang pagbibigay ng pondo ng PSC sa grupo ng table tennis na pinamumunuan ni Ting Ledesma na siyang kinikilalang miyembro ng asosasyon. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Trillanes, nagsampa ng kaso sa Ombudsman


No comments:

Post a Comment