Saturday, November 2, 2013

Kelot nabundol ng sasakyan, patay

PATAY ang isang lalaki makaraang mabiktima ng hit and run sa Barangay Tambo, Pamplona, Camarines Sur.


Nabasag ang bungo at lumabas pa ang utak ng biktima na kinilalang si Ramil Trimivilla ng bayan ng Libmanan.


Nanawagan ang asawa ng biktima na si Nancy sa ikadarakip ng drayber na naka-hit-and-run sa kanyang asawa.


Una rito, lasing na umuwi mula sa isang kasiyahan ang kanyang asawa ngunit pagsapit sa naturang lugar ay nabundol ng hindi pa matukoy na uri ng sasakyan.


Tumalsik ng halos apat na metro ang katawan ng biktima na pinaniniwalaang hindi lamang isang sasakyan ang nakasagasa rito.


The post Kelot nabundol ng sasakyan, patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot nabundol ng sasakyan, patay


No comments:

Post a Comment