Saturday, November 2, 2013

BI hanggang ‘lookout bulletin’ lang sa biyahe ni Jinggoy

HANGGANG “lookout bulletin” lamang ang maaaring gawin ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa paglabas ng bansa ni Senator Jinggoy Estrada na nakasuhan ng pandarambong sa Office of the Ombudsman.


Naipagbigay alam na sa Department of Justice (DoJ) ang detalye ng pagpunta ng Estados Unidos ni Sen. Jinggoy na umalis kahapon ng tanghali patungong San Francisco.


Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Maria Angelica Pedro, tanging ang kinukuha ng BI sa mga nakasuhan sa pork barrel scam ay ang detalye ng kanilang paglabas ng bansa maliban na lamang kung may ipinag-utos na hold departure order (HDO).


Una nang sinabi ni DoJ Secretary Leila Lima na nagpaalam na sa kanya si Sen. Estrada na lalabas ng bansa at nangakong babalik upang harapin ang kanyang kaso kasunod ng hirit nitong kanselasyon ng pasaporte ng iba pang mga idinawit sa kontrobersiyang kinasangkutan din ni Janet Lim-Napoles.


Paliwanag ni De Lima, ang Department of Foreign Affairs (DFA) lamang ang may kapangyarihan na magkansela ng pasaporte kaya hindi rin nila maaaring pigilan ang senador na makalabas ng bansa.


Nabatid na batay sa data base ng BI, alas-11:00 ng umaga umalis ang senador lulan ng Cathay Pacific flight CX 906 patungong Hong Kong.


The post BI hanggang ‘lookout bulletin’ lang sa biyahe ni Jinggoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BI hanggang ‘lookout bulletin’ lang sa biyahe ni Jinggoy


No comments:

Post a Comment