Saturday, November 16, 2013

Tour de France Sprint King, tumulong din sa Pilipinas

Iaalay ni 3-time Tour de France Sprint King Robbie McEwen ang isa sa kanyang tatlong napanalunang green jersey upang isubasta sa buong mundo at ang malilikom na pondo ay itutulong ng kinaaaniban nitong Cycle Asia para sa mga naging biktima ng super typhoon ‘Yolanda’.



Si McEwen, nagwagi din ng kabuuang 12 stages sa Tour de France, ay kasalukuyang nasa bansa bilang Cycle Asia Ambassador upang ipalaganap ang tulong sa maayos na pangangatawan at kasiyahan sa partisipasyon sa cycling hindi

lamang ng mga kabataan, estudyante at propesyonal kundi maging sa buong pamilya.


“I have race all over the world and it’s my first time here in the Philippines. I regret not to have spent a time coming here in your country but now I am here to psyche up the atmosphere specially in the BGC Cycle Philippines,” sinabi ni McEwen na magpapartisipa sa pampamilyang karera sa Bonifacio Global City sa Taguig.


Ikinalungkot ni McEwen ang trahedya sa Leyte kaya hindi nagdalawang-isip na isubasta ang isa sa pinakamahalaga niyang green jersey na simbolo ng kanyang tagumpay sa pagsali sa Tour de France kung saan ang kikitain ay kanyang itutulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Umabot naman sa kabuuang 2,000 kabataan at matatanda ang sumali sa tatlong araw na aktibidad kung saan ang aksiyon ay pumadyak sa Tricycle ride, Kids Challenge at Junior Challenge para sa mga bata.


Isasagawa naman ngayon ang tampok na Community Ride na 20 at 40 kilometrong sikaran at ang The Challenge na 40 kilometrong paspasan para sa matatanda, kabilang ang pagsabay ng beterano sa Tour de France na si McEwen na magsisimula, iikot at magtatapos sa 30th Street.


Ang aktibidad na inorganisa ng BGC at Sunrise Events Inc. ang pinakabagong nadagdag sa kalendaryo para sa 2013 ng Cycle Asia. Ang Cycle Asia ay isang network ng malalaking karera na nagbibigay pagkakataon sa mga rider upang makalahok sa iba’t ibang lungsod sa Asya.


“SEI’s goal is to stage world class events and promote healthy lifestyle among families. We have seen the growth of triathlon and running and we see cycling to be moving in the same direction,” pahayag naman ni Wilfred Uytengsu, presidente ng SEI at may-ari din ng koponan sa PBA na Alaska. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tour de France Sprint King, tumulong din sa Pilipinas


No comments:

Post a Comment