Saturday, November 16, 2013

Robin, masaya para so anak no ‘action star’

Robin Padilla


Ni Nora Calderon


TINANGGAP ni Robin Padilla ang offer ng GMA-7 na magguest sa telefantasyang Adarna na pinagbibidahan ng kanyang anak si Kylie. Siya ang gaganap bilang tunay na ama ni Ada (Kylie) sa story.


Ang pagtanggap kaya ni Robin ng guest role sa GMA ay maging susi sa pagbabalik niya sa Kapuso Network, na

dati naman niyang home



Ayon sa manager niyang si Betchay Vidanes, natapos na ang contract ni Robin sa ABS-CBN last October 15. May bago raw contract na ibinigay ang Kapamilya Network pero hindi pa iyon pinipirmahan ni Robin.


Pero bago tinanggap ni Robin ang offer ng GMA, kahit tapos na ang contract niya, nagpaalam pa rin sila ni Betchay sa ABS-CBN, na pumayag naman.


Dumating si Robin sa presscon ng Adarna pero hindi siya nagpainterview, kinausap lang niya ang executives ng production para alamin kung kailan magsisimula ang taping niya sa soap. Ang sabi lamang niya sa press nang lapitan niya si Kylie, “Masayang-masaya ako sa anak ko dahil action itong gagawin niya, noon ko pa gusto ang ganitong role para sa kanya. Salamat sa inyo, gabi niya ito kaya siya na lamang ang kausapin ninyo.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Robin, masaya para so anak no ‘action star’


No comments:

Post a Comment