Saturday, November 16, 2013

Monumento ni Bonifacio, gagawing ala-Global City

Maglalaan ng P400 milyon na pondo si Caloocan City 2nd District Rep. Egay Erice upang ipaayos ang kinatatayuan ng bantayog ni Gat. Andres Bonifacio sa Monumento Circle, at gawin itong katulad ng Global City sa Taguig.


Sa Bonifacio Shrine Summit kahapon, na dinaluhan ng iba’t ibang sektor, gaya ng mga grupong relihiyoso, mga guro, mga negosyante, mga opisyal ng barangay at ng lungsod, pabor ang mga ito sa pagsasaayos ng bantayog ni Bonifacio.



Sa disenyo ni Architect Dennis Villanueva, itataas ng hanggang 22.7 talampakan ang rebulto ni Bonifacio, at may lighted fountain na napalilibutan ng magagarang ilaw.


Magkakaroon din ng air-conditioned underground pass na dadaanan ng tao, at commercial din ang lugar na bubuksan sa mga fast food restaurant at iba pang business stall.


Lalagyan din ito ng escalator at elevator upang hindi mahirapan sa pagdaan ang mga senior citizen.


Sinabi ni Erice na sa pamamagitan ng nasabing proyekto ay mawawala na ang negatibong imahe ng lugar, na kamakailan ay tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na isang crime spot.


Sa 2014 paplanuhin ang proyekto, at sisimulan sa 2015 ang konstruksiyon na target matapos sa 2016. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Monumento ni Bonifacio, gagawing ala-Global City


No comments:

Post a Comment