Monday, November 4, 2013

Top 3 picks, handa nang makipagsabayan sa pro ranks

Almazan, Slaughter and Sangalang


Ni Marivic Awitan


Ganap at mabilis na makapag-adjust sa kung ano ang papel na ibibigay sa kanila ng kani-kanilang koponan at makapag-pokus dito upang manalo ng kampeonato ang halos iisang pangunahing hangad ng top three overall picks sa nakaraang 2013 Annual PBA Draft na ginanap noong nakaraang Linggo sa Robinson’s Place Midtown sa Ermita,Manila.



“I just want to concentrate on how I can help Ginebra win championships,” pahayag ng overall top rookie pick na si Greg Slaughter matapos siyang kunin ng Barangay Ginebra San Miguel sa katanungan kung nanabik na siya sa inaasahang magiging match-up nila ng dati niyang katunggali at kapwa Cebuano na si Junemar Fajardo ng Petron Blaze.


“Hindi ko muna iniisip ang mga ganyang mga match-ups, basta sa ngayon ang gagawin ko ay focus muna sa team. Alam ko magaling na coach si coach Tim Cone at sigurado akong ilalagay niya ako sa maganda at doon na muna ako magku-concentrate,” pahayag naman ni second overall pick at dating NCAA MVP Ian Sangalang ng San Sebastian College matapos makuha ng San Mig Coffee.


Wala namang pagsidlan ng tuwa ang “soon to be named” NCAA MVP na si Raymund Almazan makaraang gawing third overall pick ng Rain or Shine Elasto Painters.


Ang pagkakaroon aniya ng katuparan ng kanyang pangarap na makapaglaro sa PBA ay magsisilbing ibayong inspirasyon sa kanya para tapusin ang misyon niyang nakabinbin para sa Letran na nakatakdang sumalang sa darating na Huwebes sa Final Four round ng NCAA Season 89 men’s basketball tournament.


“Talagang dahil dito kailangan mas galingan ko pa sa NCAA, dagdag na insiprasyon talaga ito. At para may maiwan naman akong championship bago ako umalis ng Letran,” pahayag ni Almazan na kumpirmado nang Seniors MVP at Defensive Player of the Year ng liga.


Aniya, pagkatapos ng NCAA kung saan mayroon na siyang basbas mula sa head coach ng Elasto Pianters na si Yeng Guiao para doon muna ituon ang kanyang pansin, saka na lamang ibubuhos ni Almazan ang kanyang konsentrasyon sa kanyang pagiging isang professional player.


Hindi rin naitago ng Knights center ang kanyang tuwa dahil wala na siyang gaanong adjustment na gagawin sa pagpasok sa Elasto Painters dahil makakasama pa rin niya doon ang kanyang coach sa Letran na si Caloy Garcia na hindi naman umano nalalayo ang istilo kay Guiao.


“Halos parehas lang naman sila ng style, so sa tingin ko hindi na ako mahihirapan sa adjustment kung sakali,” ayon pa kay Almazan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Top 3 picks, handa nang makipagsabayan sa pro ranks


No comments:

Post a Comment