Monday, November 4, 2013

2 reporter, dinukot, pinatay

BAMAKO/PARIS (Reuters)— Dalawang French radio journalist ang pinaslang ng mga armadong kalalakihan sa hilagang Mali noong Sabado matapos dukutin sa bayan ng Kidal, sinabi ng French at Malian officials.


Kinumpirma ng French government na ang 58-anyos na si Claude Verlon at si Ghislaine Dupont, 51, kapwa journalists sa RFI radio, ay natagpuang patay.



Dinukot ang mga mamamahayag matapos nilang kapanayamin ang residente ng Kidal na si Ambeiry Ag Rhissa, lokal na opisyal ng NLA Tuareg separatist group.


Sinabi ng RFI sa isang pahayag na ang mga journalist ay tinatrabaho ang istorya sa northern Mali para sa isang special broadcast na pinaplano ng istasyon simula November 7. Kinansela na ang broadcast, ayon dito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 reporter, dinukot, pinatay


No comments:

Post a Comment