Friday, November 22, 2013

Thunder sinilaw ang Clippers

PINAGANDA ng Oklahoma City Thunder ang kanilang karta matapos paluhurin ang Los Angeles Clippers, 1005-91 kaninang umaga sa nagaganap na 2013-14 National Basketball Association, (NBA) regular season.


Kumislap ng 28 puntos at walong assists si star player Kevin Durant upang ilista ang three-game winning streak at itala ang 8-3 recotd ng Thunder.


Umiskor si Serge Ibaka ng 17 points, limang rebounds at tatlong blocks habang 12 points, anim na rebounds at tatlong assists ang inambag ni Russell Westbrook upang ilapit ang OKC sa top spot ng Northwest division kung saan ay kasalukuyang hinahawakan ng Portland Trail Blazers na may 10-2 card.


Kumayod din si Jeremy Lamb ng 11 puntos para sa Thunder.


Bumandera agad ng 10 puntos na abante ang Oklahoma City at pagklatapos ay hindi na ito bumaba sa anim na puntos hanggang sa matapos ang laban.


Kumana si Blake Griffin ng 27 markers mula sa 12-of-23 sa shooting at may 10 pa itong rebounds at limang assists subalit hindi ito sumapat para iangat ang Clippers na ngayon ay may 8-5 baraha.


Nagsumite rin sina Jamal Crawford at Chris Paul ng 18 at 17 pts. ayon sa pagkakasunod.


Nalimitahan si Griffin ng anim na puntos sa first half subalit sa third canto ay kumadena ito ng pitong puntos.


The post Thunder sinilaw ang Clippers appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Thunder sinilaw ang Clippers


No comments:

Post a Comment