Friday, November 22, 2013

Nolte natablahan sa round 9

PUWERSADONG ipanalo ni Pinoy International Master Rolando Nolte ang laro sa penultimate round upang mapalakas ang tsansa nitong kumapit sa top 10 ng nagaganap na Chennai Grand Master International Open Chess Tournament sa Jawaharlal Nehru Stadium, Periamet, Chennai, India kahapon.


Nakapagtala na ng 5.5 points ang 1992 World Chess Olympiad Philippine team member Nolte matapos ang draw nito kay Teja Ravi ng India sa ninth round.


Sumalo ang No. 32 seed Nolte (elo 2436) sa 18th place hanggang 34th place kaya naman asahang papatak sa top 10 ang Pinoy woodpusher kung maipapanalo ang dalawang natitirang laban.


“May kalakasan ang ‘yung sinalihan ni Nolte na tournament kaya malaking bagay na sa atin kung papasok siya sa top 10.” wika ni National Chess Federation of the Philippines executive director GM Jayson Gonzales.


Makikipagkaldagan ang dating national junior championship top contender Nolte sa round 10 kay Kanna Navin ng host country sa event na ipinatutupad ang 11 rounds swiss system.


Samantala, nasaluhan naman sa top spot si IM Mikhail Mozharov (elo 2508) ng Russia matapos siyang matablahan ni GM Prasanna Vishnu (elo 2505) ng India.


Nakalikom si No. 14 ranked Mozharov ng 7.5 pts. kapareho ng puntos ni GM Gujrathi Santosh Vidit (elo 2582) at Chithambaram Aravindh (elo 2335) na parehong taga India.


Pinisak nina Vidit at Aravindh ang mga kababayang sina IM Mishra Swayams at GM Lalith Babu.


Nakatakda namang harapin ni Vidit si Vishnu habang katunggali ni Mozharov si Indian GM S.P. Sethuraman (elo 2553).


Kikilatisin naman ni Aravindh ang kalugar na si GM Sundar Shyam.


Ang nasabing event ay inorganisa ng Gobyerno ng Tamilnadu bilang selebrasyon sa nagaganap na 2013 FIDE World Championship Match sa pagitan nina defending champion GM Vishwanathan Anand (elo 2775 ) ng India at challenger at world’s No. 1 player Magnus Carlsen (elo 2870) ng Norway.


The post Nolte natablahan sa round 9 appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nolte natablahan sa round 9


No comments:

Post a Comment