Sunday, November 17, 2013

Tent cities, bubuksan sa Leyte, Cebu

Isinasapinal na ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagtukoy sa lugar na pagtatayuan ng dalawang tent city sa Eastern Visayas, na roon pansamantalang tutuloy ang mga naapektuhan ng bagyong ‘Yolanda’ habang isinasagawa ng gobyerno ang rehabilitasyon.



Sa isang pahayag, sinabi ni PRC Chairman Richard Gordon na ang tent cities ay itatayo sa isang apat na ektaryang kampo sa Leyte at sa isang dalawang-ektaryang lupain sa Cebu.


Sinabi niyang pagkakalooban ng supply ng tubig, pangunahing pasilidad pang-kalusugan at kabuhayan ang evacuees sa mga tent city.


“We will get a ship and will evacuate anyone who wants to evacuate. We are now setting up base camps in Cebu and Leyte. These people need to have dignity. And be able to take charge of their lives and be given the chance to rebuild their

community,” sabi ni Gordon.


Sinabi pa ni Gordon na kukuhanin din ng PRC ang serbisyo ng ilan sa evacuees upang tumulong sa rehabilitasyon ng mga sinalantang komunidad.


Aniya, magkakaloob din ang PRC ng shelter repair kits at tulong pinansiyal sa mga biktima ng bagyo na pipiliing manatili sa kanilang komunidad at muling itayo ang kanilang mga bahay. – Samuel P. Medenilla


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tent cities, bubuksan sa Leyte, Cebu


No comments:

Post a Comment