Sunday, November 17, 2013

Pagpapalawig sa NPA ceasefire, iginiit

Hinimok ng Government of the Philippines (GPH), na nakikipagusap sa Communist Party of the Philippines/New People’s Army/National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), ang mga lider komunista na palawigin ang 10- araw na ceasefire sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ at pairalin ito sa buong bansa upang matutukan nang mabuti ang pagtulong sa mga naapektuhan sa pananalasa ng bagyo sa Eastern Visayas noong Nobyembre 8.



Sa isang pahayag, sinabi ng GPH peace panel na bagamat ikinatutuwa ng gobyerno ang humanitarian ceasefire, dapat namang palawigin ito kung pagbabatayan ang malaking halaga ng pinsalang idinulot ng bagyo.


Sa paghiling ng ceasefire, sinabi ng GPH na binago ng militar at pulisya ang kanilang operasyon; mula sa armed resistance ay hindi na armado ang mga awtoridad na nangangasiwa sa rescue, relief at rehabilitasyon sa mga sinalantang lugar. – Francis T. Wakefield


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagpapalawig sa NPA ceasefire, iginiit


No comments:

Post a Comment