SA kabila ng mga pagpapatunay na ito ay may katangi-tanging benepisyo na pwedeng paggamitan ng marijuana, si Department of Health (DOH) Assistant Secretary and Spokesperson Dr. Eric Tayag ay nagbabala sa publiko na ang marijuana ay mariin pa ring ipinagbabawal at ang patuloy na paggamit nito ay iligal at may katapat na kaparusahan.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng Philippine Medical Association (PMA) “Kapihan sa Manila Hotel Media Forum,” sinabi rin ni Dr. Tayag na hindi tanong kung mayroon o saan matatagpuan ito bagkus hindi dapat na magkaroon ka nito at gamitin sa anomang paraan.
“Sa mga naniniwala, na ang cannabis ay maaaring ipanghalili na panggamot sa anomang uri ng mga sakit, dapat nilang alalahanin na ito ay iligal at hindi dapat gamitin nang walang pahintulot mula sa DDB (Dangerous Drugs Board),” pagdiriin pa ng health official.
Nagpaliwanag ang Philippine Moms for Medical Marijuana (PMMM) Founder Kathleen Kim na ang kanilang adbokasiya sa pagsuporta sa paggamit ng marijuana para sa kanyang medicinal na katangian ay hindi nararapat na gawing ligal ang cannabis ngunit dapat sa aktuwal na pagtutuon para sa mga benepisyo na ibinigay sa ilang pasyente upang maibsan ang kanilang paghihirap mula sa kanilang kondisyong medikal, partikular ang pinahihirapan ng seizures dahil sa sakit na epilepsy.
“Ang panahon ay makahulugan sapagkat may pagtaas ng bilang ng mga pasyente na mayroong problemang medikal na maaaring gamutin at mapagaling ng marijuana,” pagtatapat pa ni Kim.
Subalit, inulit ni Dr. Tayag na ligal pa ring proseso ang dapat sundin, at hindi ang paggamit ng marijuana bilang alternatibong gamot para sa mga karamdaman ang dapat masunod, bagkus pagkuha ng government approval bago ito makonsiderang ligal.
Ang “PMMM” ay maaaring pumunta sa DDB (Dangerous Drugs Board) at tanungin para sa kanyang konsiderasyon.
The post ILIGAL ANG PAGGAMIT NG MARIJUANA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment