Friday, November 22, 2013

Tatay na rapist itinumba ng NPA sa Masbate

HINDI na binigyan ng pagkakataon na maipagtanggol ang sarili ng isang ama na inakusahang “rapist” ng sariling anak sa Masbate makaraang hatulan na siya ng mga rebelde.


Dahil dito, labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng 38- anyos na padre de pamilya na si Nelson “Mono” Bartolay, ng Sitio Lapus-Lapus, Barangay Guindahap sa Monreal, nasabing lalawigan matapos ang brutal na pagpatay sa kanya ng mga rebeldeng kasapi ng New People’s Army (NPA).


Bandang alas-5:00 ng umaga kanina nang pasukin ang bahay ng biktima ng mga nasabing rebelde at kinaladkad ang suspek palabas ng bahay saka pinagbabaril hanggang sa mamatay.


Wala namang nagawa ang pamilya nito gayundin ang kanyang mga kapitbahay na nahintakutan din sa pangyayari.


Nakuha ang isang sulat na iniwan ng grupo sa ibabaw ng bangkay na nakasaad na hinatulan na nila ng kamatayan ang biktima dahil sa panghahalay sa kanyang sariling anak.


The post Tatay na rapist itinumba ng NPA sa Masbate appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tatay na rapist itinumba ng NPA sa Masbate


No comments:

Post a Comment