Friday, November 22, 2013

Jeep, trike nagsalpukan; Kapitan todas

HINDI na umabot sa araw ng muling panunumpa sa Nobyembre 30 para sa ikatlo at huling panunungkulan bilang barangay kapitan ni Nestor Ramirez ng Quezon, Naguilian, Isabela matapos mamatay sa aksidente sa daan na naganap kagabi sa tulay ng Naguilian, Isabela.


Ito’y matapos sumalpok ang minamanehong tricycle ni Ramirez sa isang pampasaherong jeep na tumigil sa gitna ng Naguilian bridge dahil nawalan ng gasolina.


Hindi napansin ng driver ng tricycle na si Ramirez ang nakatigil na jeep kaya sumalpok ito sa likurang bahagi na nagbunga ng kanyang kamatayan at malubhang pagkasugat ng sakay na sina Barangay Tanod Ramel Baccay at Ferdinand Malana.


Naisugod sa ospital ng Rescue 831 si Ramirez at sina Baccay at Malana ngunit hindi na umabot nang buhay ang barangay kapitan.


Nabatid na patungo ang biktima kagabi sa Reina Mercedes para tumulong sa paghahanda sa kasal ngayong araw ng anak ng kanyang kapatid nang maganap ang aksidente.


The post Jeep, trike nagsalpukan; Kapitan todas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Jeep, trike nagsalpukan; Kapitan todas


No comments:

Post a Comment