Friday, November 22, 2013

Red alert ikinasa sa Bohol, Zambo, para sa special brgy. polls

ITINAAS na ngayon sa red alert status ang Zamboanga at Bohol PNP, kasunod ng barangay election bukas, Lunes, Nobyembre 25, 2013.


Ayon sa ulat ng COMELEC, ipatutupad pa rin sa Bohol ang mga karaniwang batas ukol sa halalan, katulad ng gun at liqour ban at ang pagbabawal ng kampanya sa besperas ng eleksyon.


Magugunitang hindi natuloy ang eleksyon sa Bohol noong Oktubre 28 dahil sa 7.2 magnitude na lindol na sumira sa maraming istraktura, kasama na ang tanggapan ng poll body, habang marami rin ang naitalang namatay.


Makakasabay ng Bohol sa special elections ang Zamboanga City.


Matatandaang binulabog naman ng kaguluhan ang Zamboanga sa pag-atake ng MNLF-Misuari faction na marami rin ang namatay, nagsilikas at mga nasirang kabahayan.


The post Red alert ikinasa sa Bohol, Zambo, para sa special brgy. polls appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Red alert ikinasa sa Bohol, Zambo, para sa special brgy. polls


No comments:

Post a Comment