Friday, November 1, 2013

Tarzan Jungle Jiggle exercise, susubukan ni Benjamin Alves

PARA maging kakaiba ang workout, iba’t ibang gimmick ang nauuso sa mga gustong magpaganda ng katawan. Isa na rito ang Tarzan Jungle Jiggle exercise na hango raw sa mga kilos ng King of the Jungle.


Ang ilan sa ehersisyong ito ay susubukan ng Kapuso hunk na si Benjamin Alves na isa sa mga actor na tampok ngayon sa GMA historical docudrama na Katipunan. Mapalaban kaya siya sa Tarzan workout?



Samantala, ayon sa Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute, tinatayang mahigit sa apat sa bawat sampung Pilipina ay may anemia. Alamin ngayong Sabado ang mga paraan para masugpo ito bago pa lumala. Subukan din ngayong Sabado ang ilang healthy recipe ngayong long weekend gaya ng seafood afritada, banana oatmeal pancake, at vegetable nachos.


Unahin ang kalusugan kasama sina Connie Sison, Dra. Jean Marquez, Doc Dave Ampil II, Dr. Raul “Dr. Q” Quillamor at Doc Oyie Balburias sa Tahanan ng mga Doktor ng Bayan. Huwag palampasin ang Pinoy MD ngayong Sabado, Nobyembre 2, 6AM sa GMA.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tarzan Jungle Jiggle exercise, susubukan ni Benjamin Alves


No comments:

Post a Comment