Friday, November 1, 2013

Graft vs. Cebu ex-governor, tuloy

Ni Rolando Carandang


Pinanindigan ng state prosecutors ang validity ng kasong graft laban kay dating Cebu Gov. at ngayo’y Rep. Gwendolyn Garcia at hiniling sa Sandiganbayan na ibasura ang motion for reconsideration na inihain ni Garcia noong Oktubre 3, 2013.



Sa walong pahinang comment/ opposition na isinumite sa Second Division ng anti-graft court, sinabi ng mga state counsel na ang lahat ng alegasyon ni Garcia bilang depensa sa kanyang kaso ay evidentiary in nature, at idinagdag na ang akusado ay hindi nagpakita ng justifiable ground para mapagbigyan ang kanyang motion for reconsideration.


Sa court resolution na may petsang Setyembre 6,2013, pinagkaitan nito ang motion to quash ni Garcia kaugnay sa two counts of graft at illegal use of public na isinampa laban sa kanya.


Sinabi ng abogado ni Garcia na si Tranquil Salvador III sa motion to quash na mayrong mga depekto sa harap ng criminal complaints laban kay Garcia.


Binigyang diin din ng defense counsel na ilegal at nagkamamaling nadoble ng Office of the Ombudsman ang halaga na nakitaan ng probable cause laban kay Garcia.


Nahaharap si Garcia sa two counts of graft charges at isa pang reklamo sa illegal use of public funds sa pagbili ng 24.9-ektrayang lupain noong 2008 sa Naga, Cebu na nagkakahalaga ng P98.9- million.


Kinasuhan din ng graft sina Juan Bolo, noo’y Sangguniang Panlalawigan member, Anthony D. Sususco, noong chairman ng Cebu provincial appraisal committee (CPAC) at provincial assessor, Roy G Salubre at Eulogio B Pelayre, noo’y kapwa CPAC members, Emme T Gingoyon, noo’y provincial budget officer, at Amparo at Romeo J. Balili.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Graft vs. Cebu ex-governor, tuloy


No comments:

Post a Comment