Sunday, November 17, 2013

Tanggapin ang estudyante mula calamity areas—DepEd

Umapela si Education Secretary, Bro. Armin A. Luistro, sa mga pribado at pampublikong paaralan, na nagkaklase matapos ang super typhoon ‘Yolanda’, na tanggapin ang mga transferee.


“Ang panawagan namin sa mga paaralan, maging private o public, ay tanggapin ang mga transferee regardless of lack of school requirements, we will provide these requirements,” hiling ni Luistro sa panayam ng Balita.



Pinangunahan ni Luistro ang paglagda sa memorandum of agreement kasama ang Cebuana Lhuillier Foundation, Inc., na susuportahan ng huli ang alternative learning system (ALS) ng DepEd sa pagtatayo ng learning center para sa mga out-of-school youth sa 16 na business region ng P.J. Lhuillier, Incorporated.


Hiniling din ni Luisto sa mga opisyal ng eskuwelahan na simulan na agad ang klase para makabalik sa paaralan ang kabataan na sasailalim sa accounting at psychosocial activities.


Iniulat ni Luistro na lubhang hinagupit ng bagyong Yolanda ang pasilidad ng DepEd sa Tacloban, at sa ibang lugar ay mahigit sa 50 porsiyento ang paaralang nasalanta.


Binanggit din ng kalihim na may apat na kawani ng DepEd ang nasawi.


Kasabay ng MOA signing ng DepEd at CLFI ay ibinigay ni Dr. Jean Henri Lhuillier ang aabot sa 6,000 learning kit sa mga batang naapektuhan ng bagyong ‘Maring’ sa San Roque, Landayan at San Antonio sa San Pedro, Laguna. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tanggapin ang estudyante mula calamity areas—DepEd


No comments:

Post a Comment