Sunday, November 17, 2013

Mga batang atletang naulila sa Tacloban, aampunin ng PSC

Umalis ang lima kataong grupo ng Philippine Sports Commission (PSC) upang sagipin ang kabuuang 22 batang atleta mula sa Leyte Sports Academy na kasalukuyang naiipit sa magulong situwasyon at mahirap na kalagayang nagaganap sa probinsya ng Tacloban at Leyte.



Nagbiyahe Sabado ng ala-una ng hapon sina Charlie Esquivel, Elmer Arrela, Ramil Concepcion, Roy Cortel at Dante Villarba para sa 17-oras na biyahe patungong Legaspi City kung saan muli itong sasakay kasama ang PSC coaster sa Roro para sa mahigit limang oras na pagtawid tungo sa Tacloban upang sunduin ang mga naipit na atleta.


“Sinundo namin ang 22 orphaned athletes from Tacloban to be adopted by the PSC from Leyte Sports Academy upon the instruction of PSC Chairman Richie Garcia and commissioner Jolly Gomez,” sabi ni PSC Executive Director Atty. Guillermo Iroy Jr.. “Our team will have to travel by land to fetch our national athletes. Sobrang hirap daw talaga makasakay ng eroplano at hindi din sila makasabay sa C130 dahil sa dami ng mga nakapila at gustong umalis na sa lugar,” sabi pa nito.


Ang mga susunduing batang atleta na mula sa boxing at athletics na una nang pinag-aral at inampon ng pinaka-unang eskuwelahan para lamang sa sports na Leyte Sprots Academy na nasa lugar ng Maasin, Leyte. Ang mga bata ay nakatakdang ilipat sa PhilSports Complex sa Pasig City.


Sinabi ni Iroy Jr. na patuloy pa rin nitong minomonitor ang iba pang pambansang atleta at maging opisyal ng mga NSA’s na naapektuhan ng dumaan na bagyong Haiyan o tinagurian sa bansa na super typhoon Yolanda.


Matatandaan na dapat sanang isagawa sa rehiyon ng Visayas ang national championships ng 2013 Batang Pinoy ngayong Nobyembre 19 hanggang 23 sa Bacolod City subalit ipinagpaliban ng PSC dahil sa kahirapang hinaharap ng ilang probinsiya partikular sa Palo, Leyte.


Mayroong 151 medalist mula sa Leyte na nagkuwalipika sa kampeonato at mayroon 98 mula sa Maasin. Kabuuang 177 naman ang mula sa Cebu na hindi pa kasama ang Dancesports kaya mahigit na 400 mula sa 2,000 kalahok ang naapektuhan sa pagdaan ng bagyo. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mga batang atletang naulila sa Tacloban, aampunin ng PSC


No comments:

Post a Comment