Sunday, November 17, 2013

MALILIIT NA TAGUMPAY

NITONG mga huling araw, pinagninilayan ko lang, talagang kulang ang oras ko para ma-accomplish ang lahat ng dapat kong gawin. Mahirap talagang pagsabayin ang apat na pangunahin kong role sa buhay – ang pagiging ina sa dalawa kong anak, misis sa guwapito kong esposo, kaibigan sa napakarami kong amiga, at officemate. Alam ko namang hindi ako nag-iisa sa ganitong situwasyon at marami sa atin ang talagang busy at wala ring sapat na panahon upang gampanan ang lahat ng tungkulin. Pero may mga pagkakataon na halos kainisan ko na ang aking sarili dahil kakaunti lang ang nagagampanan o natatapos ko. Ang malala pa nito, paulit-ulit itong nangyayari hanggang sa… “Ma, ang halaman mo nalalanta na po. Didiligin ko na.” – ang dalagita kong si Lorraine nang minsang napansin niyang hindi ko na halos naaasikaso ang iba kong gawain.


At noon ko nga natanto na sa halip na pagtuunan ko ng pansin ang mga bagay na hindi ko nagawa, kailangan ko palang mag-focus sa aking mga nagampanan. Dapat ngang ipagdiwang ang maliliit na tagumpay. Ang intensiyon ng pagdiriwang ng maliliit na tagumpay ay ang bigyan mo ang iyong sarili ng kahit kaunting pagmamahal dahil sa pagsisikap na ibinubuhos mo sa bawat tungkulin araw-araw. Sa ganitong paraan, mas masaya ang iyong pamumuhay, pinalakas ang iyong kumpiyansa sa sarili, at lalo kang magpopokus sa positibo kung kaya lalo kang magiging produktibo at masigla habang humahakbang ang panahon.


Narito ang ilang panuto para makapagsimula ka:



  • Gumawa ng listahan. – Epektibo pa rin ang gumawa ng listahan upang maging mas organisado ka. Gawin mo iyon sa notepad feature ng iyong cellphone o sa computer, o sa isang notebook na lagi mong dala o sa kapirasong papel. Kalaunan magkakaroon ka rin ng sarili mong style sa pananatili ng listahan. Gayon man, kailangang madali mo iyong maaabot sa tuwing kakailanganin mo. Lagi mo iyon babalik-balikan upang magdagdag o magbawas ng nakalistang tungkulin.


(Itutuloy bukas)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MALILIIT NA TAGUMPAY


No comments:

Post a Comment