Sunday, November 10, 2013

Tacloban City sumasangsang na ang amoy

TATLONG araw matapos hagupitin ng supertyphoon Yolanda, ilang bangkay pa rin ang nakakalat at napabayaan sa mga kalsada sa Tacloban City.


Hirap pang madaanan ang Daang Maharlika Highway dahil sa mga nakahambalang na mga labi.


Sa Barangay Diit, Tacloban dalawang bangkay na balot ng kumot ang namataang nasa gilid lang ng kalsada.


Hindi pa naililibing ang mga ito dahil walang kumikilalang kamag-anak.


Sa Barangay Naga-Naga, mahigit 30 bangkay naman kasama ang limang bata ang binalutan na lamang ng sako habang ang iba ay nailagay na sa cadaver bag ng Department of Health.


Pinagtabi-tabi ang mga ito sa isang lugar sa may center island at dinadaanan lang din ng mga tao.


Dahil dito, masangsang na ang amoy na dulot ng mga bangkay ang nasabing lalawigan.


Pagbaba pa lamang ng San Juanico Bridge sa Barangay Kapalawan, masangsang na amoy ang agad na bubungad sa mga motorista.


Samantala, inihimlay na sa isang mass grave nitong Linggo ang 46 bangkay na unang tumambad sa Barangay Diit.


The post Tacloban City sumasangsang na ang amoy appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tacloban City sumasangsang na ang amoy


No comments:

Post a Comment