Sunday, November 10, 2013

‘Zoraida’ tatama sa Surigao del Sur bukas

NANANATILING tropical depression ang bagyong Zoraida habang papalapit sa Surigao del Sur.


Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang pinakamalakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna.


Alas-10:00 ng umaga nang mamataan ang bagyo sa layong 830 silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.


Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.


Inaasahang tatama ang bagyo sa bahagi ng Surigao del Sur bukas, Martes.


Sa paglapit nito sa kalupaan, mas dumami pa ang mga lugar na nasa ilalim ng signal number 1, kabilang ang:


- Dinagat Province

- Siargao Island

- Agusan del Norte

- Agusan del Sur

- Surigao del Norte

- Surigao del Sur

- Davao Oriental

- Davao del Norte kasama ang Samal Island

- Bukidnon

- Misamis Oriental

- Camiguin Island

- Siquijor

- Southern Cebu

- Bohol

- Negros Oriental

- Southern Negros Occidental


Tatawid ang bagyong Zoraida sa Southern Bohol, Southern Cebu, patungong Southern Negros Oriental at Northern Palawan.


Sa pamamagitan ng West Philippine Sea, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo Huwebes ng gabi.


Nananatiling mapanganib ang lumayag sa northern seaboard ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Northern at central Luzon.


The post ‘Zoraida’ tatama sa Surigao del Sur bukas appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Zoraida’ tatama sa Surigao del Sur bukas


No comments:

Post a Comment