Friday, November 1, 2013

Syria, tumupad sa deadline

BEIRUT (Reuters)— Nasira o nabaklas na ng Syria ang lahat ng kanyang idineklarang chemical weapons production at mixing facilities, sinabi ng international chemical weapons watchdog noong Martes.



Sinabi ng Organisation for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW), nanalo ng Nobel Peace prize ngayong buwan, na nasuri na ng grupo ang 21 sa 23 chemical weapons sites sa buong bansa. Ang nalalabing dalawa ay napakadelikado para marating ng inspection ngunit nailipat na ang chemical equipment sa iba pang site na binisita ng mga eksperto.


Ang Syria “has completed the functional destruction of critical equipment for all of its declared chemical weapons production facilities and mixing/filling plants, rendering them inoperable,” ayon dito, sa pagpupulong sa November 1 deadline para sa trabaho.


Ang susunod na target date ay November 15, para sa pagkakasundo ng OPCW at Syria sa detalyadong plano sa pagsisira ng mga armas, paano at saan sisirain ang mahigit 1,000 metriko tonelada ng toxic agents at munitions.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Syria, tumupad sa deadline


No comments:

Post a Comment