Friday, November 1, 2013

Filipino, Asia’s leading bowlers, magkakasubukan

Ipamamalas ng Filipino bowlers at ilang Asia’s leading campaigners ang kanilang matinding pulso sa paggulong bukas ng 42nd Philippine International Open tenpin bowling championships sa Sta. Lucia Center sa 3rd floor ng Sta. Lucia Mall sa Cainta, Rizal.



Ang torneo na susulong hanggang Nobyembre 17 ay may basbas ng Asian Bowling Federation at inorganisa ng Philippine Bowling Congress (PBC) kung saan ay nasa kooperasyon rin ng Sta. Lucia Mall, Boysen Paints, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission.


Ang event ay suportado ng University of Perpetual Help System, Richmonde Hotel Ortigas at National Bowling Tour.


Si PBC president Dr. Ronnie Mendoza ang magbibigay ng welcome remarks sa opening ceremony na magsisimula sa ganap na alas-10:00 ng umaga.


Idedepensa nina Jonas Baltasar at Liza del Rosario ang kanilang men’s at ladies’ Open Masters titles. Sina Baltasar at Russia-bound national World Cup champion Benshir Layoso ang ilan lamang sa winningest bowlers sa isinasaganap na national tour.


Inaasahan ang lahat ng local bowling associations at clubs sa ilalim ng PBC ang magpapartisipa sa premier kegfest sa bansa.


Isang special event na tinaguriang Toti Lopa Memorial Cup ang magiging highlight sa team at individual Masters competition para sa paggunita kay dating PBC president Ernesto “Toti” Lopa, namayapa kamakailan.


Si Lopa, maaalalang nagmado kay Arianne Cerdena-Valdez para sa gold medal sa demonstration sport ng bowling sa 1988 Seoul Olympics, ay namatay noong Agosto habang ipiniprisinta ang Pilipinas sa WTBA World Championships at Congress sa Las Vegas, Nevada.


Nakapaloob sa events para sa 15-day kegfest ay ang singles, doubles, trios, men’s at ladies’ Open Masters, Graded Masters, Associate Masters, Rookie Masters, Senior Masters at Boys’ and Girls’ Youth Masters.


Mangyaring komontak ang mga interesadong bowlers sa PBC Secretariat sa mga telepono bilang 3105194 at 4003463 o sa email na philippinebowlingcongress@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Filipino, Asia’s leading bowlers, magkakasubukan


No comments:

Post a Comment