Friday, November 1, 2013

Blake Lively, chocolate ang sekreto sa magandang figure

BLAKE Lively


SINABI ni Blake Lively na utang niya sa chocolate ang kanyang amazing figure.


Hindi pinagkakaitan ng Gossip Girl actress ang kanyang sarili ng anuman at sa pakiwari niya ay ang kanyang pagkahilig sa sweet treat – na kinakain niya sa agahan at bilang evening snack – ang nakatutulong sa kanya para manatiling slim and confident.



Nang tanungin kung may sinusunod siyang strict regimen, sinabi ni Blake na: ‘’I do nothing! I’m lucky to have a very active lifestyle, I’m always running around everywhere… So I don’t need to hire a coach or watch what I eat. I can’t start my day off without a mug of hot chocolate or finishing off the day with a few squares of dark chocolate… It keeps me feeling happy.’’


Sinabi ni Blake Lively – na kamakailan lamang ay ipinakilalang bagong mukha ng L’Oreal Paris – na ang kanyang glowing complexion ay resulta ng kanyang paggamit ng high factor sunscreen araw-araw.


Paliwanag niya: ‘’I follow a very simple regime which is broken down into three steps: make-up removal, skincare and UV protection – I’m absolutely obsessed with it.


Kapag nalulungkot siya, sinabi ni Blake na ang kanyang perfect pickme-up ay spa session dahil pagkatapos nito ay mas relax at mas kaakit-akit ang pakiramdam niya.


Ibinunyag ng 26-anyos na blonde sa panayam ng French Vogue magazine na: ‘’Getting a massage, if possible at the Mandarin Oriental spa in New York, which I love. I always feel much more beautiful afterward s…’’ – Bang


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Blake Lively, chocolate ang sekreto sa magandang figure


No comments:

Post a Comment