Tuesday, November 19, 2013

SWS: Pinoy na nagugutom bumaba ang bilang

BUMABA ang bilang ng mga pamilyang Pinoy na nakaranas ng gutom sa ikatlong quarter ng 2013.


Sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa noong Setyembre 20 hanggang 23 at inilathala sa Business World, bumaba sa 17.9% ang overall hunger incidence.


Katumbas ito ng 3.9 milyong pamilya o 1 milyong pagbaba mula sa 4.9 milyong pamilyang nakaranas ng gutom (22.7%) noong Hunyo.


Pero dahil isinagawa ang survey bago ang matinding pananalasa ng Bagyong Yolanda, sinabi ng isang analyst na posibleng tumaas ang bilang na ito sa ikaapat na quarter ng taon.


Ayon kay J. Prospero de Vera III, propesor sa University of the Philippines (UP) College of Public Administration and Governance, “Typhoon Yolanda has now made this decline in hunger incidence inconsequential.”


Sabi pa niya sa Business World, “If government is unable to improve its handling of relief operations and the more difficult and long-term reconstruction of all the affected islands in the Visayas and Palawan, it’s not only hunger incidence that will worsen, public perception of his President Noynoy Aquino leadership will also go down.”


Ikinatuwa naman ng Malakanyang ang resulta ng survey, pero aminado si Communications Secretary Ricky Carandang na posibleng maapektuhan din ito ng bagyo.


The post SWS: Pinoy na nagugutom bumaba ang bilang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SWS: Pinoy na nagugutom bumaba ang bilang


No comments:

Post a Comment