Tuesday, November 19, 2013

7 bata patay sa pagsabog sa Afghanistan

PATAY ang pitong bata sa nangyaring pagsabog sa lansangan habang naglalaro sa eastern Afghanistan.


Ayon kay provincial governor spokesman Mukhlis Afghan, naglalaro lamang ang mga biktima nang biglang sumabog ang bomba na itinanim mismo sa kalsada.


Responsable aniya sa naturang mine blast ay yaong mga nanggugulo sa Afghanistan, pero hindi binanggit kung ito ba ay grupo ng Taliban.


Sa record ng United Nations, daan-daang mga bata na ang namatay ngayong taon dahil sa mga pagsabog bunsod ng away sa pagitan ng Afghan government forces at mga insurgent groups.


The post 7 bata patay sa pagsabog sa Afghanistan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



7 bata patay sa pagsabog sa Afghanistan


No comments:

Post a Comment