Tuesday, November 19, 2013

Foreign Aid Transparent Hub di maha-hack

MALAKI ang tiwala ng Malacañang na hindi mapapsok ng internet hackers ang Foreign Aid Transparent Hub (FAITH) website.


Ayon kay Budget Undersecretary Richard Moya, secured ang FAITH website tulad ng Official Gazette at hindi basta-basta mapapasok ng mga hackers tulad ng notorious na Anonymous Philippines.


Ayon kay Moya, wala namang sikretong makikita sa FAITH website dahil walang kinalaman ito sa defense at trade negotiations ng gobyerno.


Ang FAITH transparency hub ay maglalaman ng mga impormasyon sa mga foreign donations para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.


Sinabi ni Moya na mayroong back-up ang Department of Budget and management kaya kahit pagdiskitahan ito ng hackers ay hindi masisira o mawawala ang mga impormasyon.


The post Foreign Aid Transparent Hub di maha-hack appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Foreign Aid Transparent Hub di maha-hack


No comments:

Post a Comment