Sunday, November 17, 2013

Suplay ng kuryente sa Visayas ibabalik bago mag-Pasko

TARGET na maibalik ng Department of Energy (DOE) ang suplay ng kuryente sa Visayas sa Disyembre 24, bisperas ng Pasko.


Sa panayam kay Energy Secretary Jericho Petilla, mahihirapang maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na hinagupit ni Yolanda nang agad-agad.


“Ang tina-target po namin December 24, magkakailaw ang Visayas, Leyte, Samar, Bohol, Panay area, lahat po yan”, ani Petilla.


Pero, uunahin aniyang pailawan ang mga bayan at mga barangay.


“Pag dating sa household, depende po kung yung bahay n’yo ay nararapat nang kabitan kasi karamihan dito, sira ang mga electrical.”


Idinetalye pa ng kalihim na balak ng DOE na gamitin ang generator set ng mga pribadong establisyemento na nasira ng bagyo.


Ayon kay Petilla, susubukan ang plano ng DOE sa pamamagitan ng pagtatayo ng street lights sa kalsada ng Palo, Leyte na unti-unting iilawan ngayong Lunes ng gabi gamit ang mga generator set.


The post Suplay ng kuryente sa Visayas ibabalik bago mag-Pasko appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Suplay ng kuryente sa Visayas ibabalik bago mag-Pasko


No comments:

Post a Comment