Sunday, November 17, 2013

Operasyon ng MRT muling nagkaaberya dahil sa bitak sa riles

MULING nagkaaberya ng halos isang oras ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT) dahil sa nakitang maliit na bitak sa riles, kaninang umaga.


Ayon kay Al Vitangcol, general manager ng MRT, may nadiskubreng hairline crack na may sukat na dalawang milimetro sa riles sa pagitan ng Shaw at Boni stations sa northbound.


Dahil dito, ipinatupad ang provisional service sa biyahe ng MRT simula alas-6:55 kung saan nilimitahan ang operasyon sa North Avenue station hanggang Shaw Boulevard station.


Nagbalik-normal naman ang operasyon ng MRT alas-7:45 nang malagyan ng pansamantalang fishplate ang riles na nakitaan ng bitak.


Paliwanag ni Vitangcol, pansamantalang solusyon ang inilagay sa riles dahil aabutin aniya ng hanggang tatlong oras ang pagkumpuni roon.


Ngayong gabi, nakatakdang magsagawa ng thermal welding para ayusin ang nabitak na bahagi ng riles.


Nobyembre 4, nagdulot na rin ng matinding abala sa mga pasahero at trapik sa EDSA ang limitadong operasyon ng MRT sa Shaw hanggang Taft station, dahil sa kaparehong aberya.


The post Operasyon ng MRT muling nagkaaberya dahil sa bitak sa riles appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Operasyon ng MRT muling nagkaaberya dahil sa bitak sa riles


No comments:

Post a Comment