Sunday, November 17, 2013

Salvaging ng NPA spokesman, itinanggi ng AFP

Sa gitna ng usapin sa panukalang tigil-putukan ng militar at Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA), inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nanlaban kaya napatay ang tagapagsalita ng grupong komunista sa Bicol Region.



Iginiit noong Sabado ng AFP na nanlaban sa engkuwentro noong Nobyembre 14 ang grupo ni Greg Bañares, ang tagapagsalita ng CPP-NPA sa Bicol, kaya pinagbabaril ito ng mga sundalo.


Iginiit ni AFP Public Affairs Office chief Lt. Col. Ramon Zagala na armado ang grupo ni Bañares, at tumagal ng 35 minuto ang engkuwentro sa isang liblib na barangay sa Sorsogon noong Huwebes.


Sinabi pa ni Zagala na mas gugustuhin nilang mahuling buhay si Bañares.


“He was influential in their propaganda. He was a key in their recruitment of those with legitimate problems into the war of the CPP against the government,” ani Zagala.


Kinumpirma ng nagpakilalang Celson Minguez Command na kabilang nga si Bañares sa mga nasawi sa engkuwentro.


Nagbanta naman ang CPPNPA ng mas maigting na pag-atake kasunod ng pagkamatay ng nasabing opisyal ng kilusan. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Salvaging ng NPA spokesman, itinanggi ng AFP


No comments:

Post a Comment