Friday, November 8, 2013

Stephen Curry, umaasang makapaglalaro ngayon

OAKLAND, Calif. (AP)- Sinabi ng Golden State Warriors na ang MRI sa kaliwang ankle ni point guard Stephen Curry ay nagpapakita ng gasgas sa kanyang buto at ang kanyang status ay opisyal na sinusuri kada araw.


Napinsala si Curry sa third quarter ng Golden State’s 106-93 victory kontra sa Minnesota Timberwolves noong Huwebes ng gabi. Sinabi nito matapos ang laro na posibleng ‘’probably’’ makalaro sa San Antonio ngayon nang ang Warriors ay bibisita sa Spurs para sa rematch sa nakaraang season’s second-round playoff series.



Si Curry ay nagtala ng 5 puntos o sa kanyang 2-for-8 sa shooting kung saan ay kumubra rin ito ng 7 assists sa 24 minutong paglalaro laban sa Minnesota. Naglakad ito na iika-ika matapos na makipagpambuno kay Ricky Rubio at ‘di na ito nakapaglaro sa fourth quarter.


Naulit kay Curry ang problema sa kanyang kaliwang ankle sa kasagsagan noon ng playoffs. Sumailalim ito sa dalawang operasyon sa kanyang kanang ankle.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Stephen Curry, umaasang makapaglalaro ngayon


No comments:

Post a Comment