Friday, November 8, 2013

Project DINA, ilalapit sa mamamayan

Tutulong ang Optical Media Board (OMB) at Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagpapalaganap sa Project DINA (Disaster Information for Nationwide Awareness), isang audio visual presentation ng iba’t ibang uri ng kalamidad at kung paano malalagpasan ang mga ito.



Sinabi ni Ronnie Rickets, Chairman ng OMB, handa silang tumulong sa reproduction ng audio visual presentation para maipamahagi ito sa mga mamamayan lalo na sa mga nasa mga mapanganib na lugar. Bagamat libre itong makukuha sa website ng NDRRMC, hindi naman aniya lahat ng kabahayan ay mayroong Internet.


Binigyan ng MTRCB ng general patronage ang audio visual presentation at handa silang tumulong para maipalabas ito sa mga sinehan at mga bus na biyaheng probinsya. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Project DINA, ilalapit sa mamamayan


No comments:

Post a Comment