Friday, November 8, 2013

Pagdura sa publiko, ipagbabawal

Gawing krimen ang pagdura sa mga pbulikong lugar. Sinabi ni Party-list, Ave Rep. Eulogio “Amang” Magsaysay, na ang pagbabawal sa pagdura sa mga publikong lugar ay makatutulong sa pagsugpo sa sakit na tuberculosis (TB) at iba pang nakahahawang sakit.



Sa House Bill 299 (Anti-Spitting Act of 2013), ipagbabawal ang pagdura sa mga lansangan, bulwagan, sidewalk, parke, mall, pamilihan, pampublikong sasakyan, public hall, mga gusalim bangko, mga terminal, shopping at business center, paaralan, simbahan, ospital, at iba pang katulad na mga lugar.


“With the occurrence of global pandemics like SARS, bird flu and other contagious and airborne diseases, there is an urgent need to change hazardous society habits like spitting,” ani Magsaysay.


Ang mga lalabag ay pagmumultahin ng P500 sa unang paglabag, P1,000 sa pangalawang paglabag, at P2,000 sa ikatlong paglabag, at oobligahing dumalo sa health seminar ng Department of Health o mabibilanggo ng anim na buwan. – Bert de Guzman


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pagdura sa publiko, ipagbabawal


No comments:

Post a Comment