Tuesday, November 26, 2013

Snatcher dakip sa sigaw ng biniktima

NADAKIP ang isang snatcher matapos magsisigaw ng malakas ang biniktima na nakatawag ng pansin sa mga tambay sa Caloocan City Martes ng umaga, Nobyembre 26.


Kinilala ang suspek na si Philip Bozer, 41, ng Unang Sigaw, Quezon City.


Sa pahayag ng biktimang si Raymond Factora, 37, alas-9 ng umaga, naglalakad siya papasok sa trabaho sa 11th Avenue, Grace Park nang mula sa likuran ay sumulpot ang suspek at agawin ang kanyang dalang external hard drive.


Mabilis na tumakbo papatakas ang suspek habang nagsisigaw ng malakas ang biktima na narinig ng mga nakatambay na naging dahilan upang habulin at madakip ang una habang nabawi ang tinangay.


The post Snatcher dakip sa sigaw ng biniktima appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Snatcher dakip sa sigaw ng biniktima


No comments:

Post a Comment