Tuesday, November 26, 2013

Gumamit ng pekeng ICC sticker, huli

LUCENA CITY, Quezon – Hinuli ang mga tindahan na nagbebenta ng pekeng ICC stickers na isang paglabag sa polisiya ng Bureau of Product Standards (BPS), sa crackdown ng Department of Trade and Industry (DTI)-Region 4-A at provincial office sa siyudad na ito.



Ayon kay Pablito Budoy, ng Quezon-DTI, apat na nagbebenta ng motorcycle accessories nang nakumpirmang gumagamit ng pekeng ICC sticker makaraang suriin sa digital scanner ang huli.


Kinumpiska ng Task Force ng kagawaran ang 66 na helmet, na wawasakin upang hindi na muling maibenta, habang agad namang binigyan ng notice of violation ang may-ari ng tindahan na pagmumultahin ng P25,000.


Hinuli rin ng DTI ang isang distributor ng fire extinguisher dahil sa kawalan ng kaukulang lisensiya mula sa BPS, at kinumpiska ng kagawaran ang 14 na fire extinguisher. – Danny J. Estacio


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gumamit ng pekeng ICC sticker, huli


No comments:

Post a Comment