Saturday, November 9, 2013

Singil sa kuryente, tataas hanggang Enero

Tataas ang singil sa konsumo ng kuryente ngayong Nobyembre hanggang sa Enero ng susunod na taon, ayon sa Manila Electric Company (Meralco).


Ayon sa pamunuan ng Meralco, ang taas-singil ay bunsod ng pagsasara ng mga kinukumpuning power plant, tulad ng Malampaya deep water gas-to-power project.



Binanggit ng Meralco na aabot sa P1.24 kada kilowatthour ang madadagdag sa bill ng mga consumer ngayong buwan.


Idinagdag ng power distributor na dahil sa maintenance shutdown, maghihigpit sa supply na magbubunsod ng pagtaas sa presyong kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), gayundin ang paggalaw ng transmission at system loss charge.


Dahil dito, hiniling ng Meralco sa publiko na gumawa ng kaukulang hakbang, gaya ng pagtitipid sa paggamit ng electrical appliances, upang hindi masyadong tumaas ang singil sa kuryente. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Singil sa kuryente, tataas hanggang Enero


No comments:

Post a Comment