Saturday, November 9, 2013

Malacañang: Napoles posibleng nasa likod ng smear campaign

“Hindi na bago sa amin ‘yan.” Ito ang pahayag ng Malacañang tungkol sa alegasyon na ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang nagponpondo sa “black propaganda” laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyong Aquino.



Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na dama ng Palasyo na may mga hakbang upang ilihis ang atensiyon ng publiko mula sa multi-bilyong pisong “pork barrel” scam na pinanumunuan ni Napoles at isinasangkot ang ilang mambabatas.


“You know, it is not new to us as the President himself has already mentioned in some of his past speeches that we are aware of efforts to misdirect public attention and take focus away from the issue at hand,” sinabi ni Valte sa radyo DZRB.


Sa pahayag ni Pangulong Benigno S. Aquino III sa sambayanan sa pamamagitan ng telebisyon noong Oktubre 30, idinepensa ng Pangulo ang DAP, giit na hindi ito napupunta sa kanya bulsa at maging kanyang mga kaalyado sa gobyerno.


“You have heard what they are saying: That we are all the same,” pahayag ni Aquino.


Maging si Sen. Miriam Defensor Santiago ay kumbinsido na si Napoles ay nasa likod ng paninira sa DAP. – JC Bello Ruiz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Malacañang: Napoles posibleng nasa likod ng smear campaign


No comments:

Post a Comment