Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) sa lahat ng sektor na maging handa sa pagtulong sa kapwa na nangangailangan lalo na sa pinsala ni super typhoon Yolanda sa Visayas at Mindanao.
* * *
Kung kailan nangangailangan, saka naghahanap ng pondo. Ito ang isyu ng mga residenteng nasalanta ng kalamidad sa Visayas. Dahil sa pinsala sa mga ari-arian, heritage sites, mga tulay, kalsada, atbp., humanap ang mga tauhan ng pamahalaan ng pondo. Sa 2013 Budget, may nakalaan umano na P7.5 billion bilang calamity fund ngunit P1.37 billion na lamang ang natitira rito, ayon kay Pangulong Benigno Aquino III.
Isa pang naging isyu ay ang pamumulitika. Dahil sa kalamidad, panahon na naman daw upang pumapel ang mga pulitiko sa buhay ng mga tao. Nagiging kontrabersyal ang pagtulong ng ibang mga pulitika dahil umano papalapit na ang 2016 elections. Ang panahon daw ng kalamidad ay oras para sa mga nangungurakot na pangatwiranan ang kanilang pagupo sa posisyon. Dahil din daw sa pamumulitika, pinipili kung sino ang tutulungan.
Kung iisipin naman natin, hindi mali ang pagtulong. Baka nga naman taos-puso din. Nababahiran na lang natin ng ating duda o di pagtitiwala. Ngunit, ang tunay na pagsusuri sa dedikasyon ng tao ay nakikita sa kanyang pakikisama hindi lamang
sa panahon ng sakuna. Kung tutuusin, short-term o ‘band-aid’ solution lang ang nagaganap tuwing panahon ng sakuna. Suriin kung ang mga pulitiko nating inihalala ay may naiaambag sa ‘long-term’ development.
Ang tunay na pagtulong ay walang inaasahang kapalit. Ito na nga rin ang ipinaparating sa atin mula kay Joshua(24:14), “Magkakaalaman din kung sino ang tumutulong talaga at nagpapalakas lamang. Ang tunay na tulong ay umuugat sa pakikiramay at pagkakaisa, alinsunod sa pagmamahal sa ating kapwa at sa ating Panginoon.”
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment